Maine Mendoza by the 1st week of January 2018 to return on Eat Bulaga

THE PHILIPPINES HERLAD — Ayon sa mga kumakalat na balita na 1st week of January 2018, may tsansang magbabalik muli ang Phenomenal star na si Maine Mendoza (Yaya Dub). May malaking galawan na magaganap sa Eat Bulaga! pagpasok ng bagong taon. Bukod sa pagbabalik ng lahat, as in lahat ng mga Dabarkads na nag-Pasko sa ibang bansa para sa kauna-unahang live presentation ng longest-running noontime show sa bansa, bandang Abril o Mayo, mag-aalsa-balutan sila para lumipat sa bagong studio sa kahabaan ng Marcos Highway.

Ibig sabihin nito may tsansa talaga na by 1st week of January 2018, balik-Bulaga na rin ang kontrobersyal ‘Kalyeserye Queen’ na si Maine Mendoza.

Gana ng napabalita, matapos maglabas ng mahabang open letter sa AlDub fans, lumipad abroad si Maine para doon mag-Pasko. Isa ang pagbabalik niya sa mga aabangan sa Eat Bulaga! ang pagpasok ng Bagong Taon.

Samantala, ayon kay TAPE, Inc. at APT Entertainment Big Boss Tony Tuviera, inabot ng kalahating bilyon ang gastos sa bago nilang bahay. Sa lawak na 3,000 square meters, mayroon itong apat na palapag, na naglalaman ng isang post production office, isang studio para sa live shows at isang studio para sa Taped Episodes.



Ang live studio kayang maglaman ng 700 ka-tao kumpara sa kasalukuyang bilang na 500 sa Broadway Studio.

Lahat ng set requirements, dinisenyo umano ng isang American firm. Tatawagin itong APT Studios at technically, uupahan ito ng TAPE, Inc. Ayon pa kay Mr. Tuviera, hanggang end of next year pa ang kontrata ng Bulaga sa Broadway.

By then, patungo na sa 40th year ang noontime show na pinangungunahan ng Triumvirate nina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, mas kilala sa tawag na “TVJ”. Naniniwala si Mr. Tuviera na matibay pang tatayo ang TVJ bilang poste ng Eat Bulaga! sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Hindi lang ang TVJ, but the program as a whole,” paglilinaw niya.

Iba raw talaga ang karisma at magic ng tatlo sa audience, lalo na si Vic sa masasabing pinaka-mukha ng Eat Bulaga!.

Sa ngayon, aminado si Mr. Tuviera na napipisil nilang i-groom ang ‘Juan Fo All All For Juan’ trio nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang susunod sa mga yapak ng TVJ.

‘Yan daw ay dahil sa nakikita nilang kakaiba ring hold ng JoWaPao sa masa.




Sa katunayan, malaki ang oras na ginugugol sa portion nila pero sulit naman dahil iyon din ang highest rating segment ng programa ngayon. Pero mas highest pa rin yung ‘Kalyeserye’ nila na kasama si Maine Mendoza (Yaya Dub).

Mukhang malaki nga ang plano ng TAPE, Inc. bosses sa tatlo. Isa na rito ang pagpahingahin ang mga karakter nilang Lola Nidora, Tinidora at Tidora pagkatapos ng Pasko.

Pagkatapos ng Christmas, tigil na muna ‘yung mga Lola,” diin ni Mr. Tuviera.

Anong masasabi mo tungkol dito? Masaya ka ba sa nabasa mong balita ngayon? Ibahagi ang iyong saloobin, opinyon at reaksyon dito sa comment section box ng aming website. Thank you!
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment