Maine Mendoza, May hiling sa susunod niyang Pelikula. ANO KAYA ITO?

Isinawalat ni Phenomenal Star Maine Mendoza na gusto na rin niyang makagawa ng pelikula dahil medyo matagal-tagal na rin kase noong huli siyang nakita ng mga manonood sa kanyang last movie na Imagine You And Me. Nakasama niya rito si Pambansang Bae Alden Richards na kanyang nakatambal noon sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Isa sa mga posibilidad nga na makakasama ni Menggay sa susunod niyang movie ay walang iba kundi ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ang hiling ni Maine kung sakaling magkaroon man daw siya ng susunod na pelikula ay yung tatak sa mga manonood lalong lalo na sa mga millenials. At sa mga kabataang henerasyon. Ayon mismo sa kanya ng makapanayam siya ni Lhar Santiago ng GMA News.



Pag nagkataon ito ang kauna unahang lead role na gagawin ni Dubsmash Queen Maine Mendoza at sa Metro Manila Film Festival pa! Kaya naman paniguradong pipilahan at susuportahan ito ng mga manonood. Kung sakaling matuloy ang tandem nila ni Maricel Soriano.



Samantala, Excited na ang buong AlDub Nation na muling matunghayan ang kanilang iniidolo na si Menggay sa muling pagbibidahan niya sa "Daig Kayo ng Lola ko" na mapapanood sa Linggo sa GMA Channel 7. Panay laman nga ng kanilang mga fandom ang mga behind the scenes ng nasabing programa habang tinetaping pa lamang ito.
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment