Vic Sotto nagbigay ulit ng komento tungkol kay Alden at Maine: ‘Wala nang makakabuwag du’n, AlDub is AlDub’

MANILA, Philippines THE PHILIPPINE HERALD — Hindi man nakikita nitong nakaraang mga araw sa “Eat Bulaga” ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, sinabi ni Bossing Vic Sotto na nakatatak na sa puso ng mga tao ang AlDub love team. Nagbigay ng komento ang Eat Bulaga! host at “Mean To Beh” star Vic Sotto tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng kapwa niya Dabarkads na si Maine, na nakatanggap ng mga puna matapos niyang magsulat ng isang open letter sa fans.

Sa press-con ng pelikulang “Meant To Beh” nitong Martes lang, December 05, sa Quezon City, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, nagbigay din ng pahayag ang TV host-actor tungkol sa ilang iresponsableng gumagamit ng social media at namba-bash ng mga artista.

That’s what social media is all about sometimes. Meron tayong mga iresposableng users. Kaya hindi naman lahat ng tao responsible. But if you’re into social media, you expect that,” saad ni Bossing.

“Tulad ni Pareng Joey [de Leon], minsan nagkakamali. Pero bilang isang matipunong lalaki, nagso-sorry. Kung alam niyang mali siya, ‘sorry.’ Sabi ko nga ‘yung social media, hindi mo maiiwasan ‘yung… Hindi lahat ng opinyon sasang-ayon sa’yo eh. Kaya nga siguro hindi ako nagso-social media para kaibigan ko lahat ng tao,” dagdag niya.

Nagkomento si Bossing Vic matapos niyang sagutin ang tanong kung suspendido si Maine sa “Eat Bulaga.”

Nilinaw ni Vic na wala itong katotohanan at ang alam lang niya ay nagbabakasyon lang ang ‘Kalyeserye Princess’.

“That’s is not true, definitely. Definitely no true. Nasuspinde si Maine? nagbabakasyon siya. Si Alden, alam ko kasama namin parati. Si Maine, hindi ko alam. I cannot speak for her,” saad pa ng aktor.

Sabi pa ni Bossing, inuunawa niya ang aktres kung mayroon man itong pinagdadaanan ngayon.

“I’m in the business for so many years. ‘Pag mahal mo ‘yung ginagawa mo, kahit ano pagdadaanan mo, kakayanin mo,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Bossing na hindi niya huhusgahan si Maine kung mayroon man itong pinagdadaanan.

“We cannot judge anyone on that matter. Me, I cannot judge. Basta ako nirerespeto ko. Ano man maging desisyon niya… Wala kasi akong social media kaya hindi ko alam nangyayari eh. Nakiki-update lang ako kay Pauleen,” patuloy ni Vic na pagsasalita.

Paliwanag pa ni Bossing, hindi man nakikita nitong nakaraang ilang araw ang AlDub, nakatatak na raw sa puso ng mga tao ang love team nina Alden at Maine.

“Wala nang makakabuwag du’n. AlDub is AlDub. Bakit ‘yung ‘Guy ang Pip’ ba, kinakalimutan niyo na? Hindi puwede. Nandiyan na ‘yan. Forever nang nandiyan ‘yan. Nakatatak na sa puso natin ‘yan. Hindi mawawala ‘yan,” paliwanag niya saamin.

Kasama rin sa “Meant To Be” na entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Andrea Torres, at si Baeby Baste.


Source : GMA Network
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment