Maine Mendoza pina-iyak sa sobrang takot ng isang palaka!

The Philippines Herald — Hindi inakala ng mga manonood na magiging ganito ang reaksyon ng Phenomenal star na si Maine Mendoza. Ayon sa report, habang nasa bahay daw ‘di umano sila ng Sugod Bahay winner ay may isang hindi inaasahang bisita ang tumambay sa kanyang paanan kung saan siya nakaupo.





Habang iniinterview ni Maine Mendoza ang isang Sugod Bahay winner ay hindi nila inaasahan mayroon palang isang palaka na nakatambay sa kanyang paanan. Nang malaman ito ni Maine ay nabigla ito at tumalon sa sobrang takot at naiyak pa nga ito on-cam.





Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naiyak si Maine Mendoza ng biglaan at dahil pa isang palaka lamang on national television. Kaya maraming tao ang natuwa at naawa dahil sa ka-cute-tan na pag-uugali ni Maine Mendoza habang umiiyak nang dahil lang sa isang palaka.





Matapos nito ay nilabanan ni Maine Mendoza ang takot at pinilit na ngumiti. Maraming netizens naman ang nakapanood sa pangyayaring iyon, samo’t-sari naman ang kanilang mga reaksyon sa kanilang iniidolo.





Ikaw ano ang nararamdaman mo ng mapanood mo si Maine Mendoza?
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment