AlDub Nation, Nagbunyi sa muling pagkikita nina Maine at Alden

Hindi maitago ng AlDub Nation ang saya at ngiti sa kanilang mga labi ng magkitang muli at magsama pa sa isang production number ang kanilang mga iniidolo na AlDub na binubuo nina Phenomenal Star Maine Mendoza at Pambansang Bae Alden Richards. Matagal na panahaon na hindi nagkita ang dalawa dahil sa balitang pinaghihiwalay raw umano sila ng kanilang management. 


Hindi makakaila na hanggang sa ngayon na malakas at matatag pa rin ang fandom na alDub Nation. Hindi pa rin sila nagmamatinag sa mga sangkatutak na isyu na ibinabato laban sa kanilang mga idols. Matapang parin nilang ipinatatanggol sina Maine at Alden laban s mga bashers ng Phenomenal Loveteam.




Kanina ay muli nga nilang nasaksihan ang inihandog na regalo nina Dubsmash Queern Maine Mendoza at ni Pambansang Bae Alden Richards at hindi kinaya ng mga fans ang sobrang kilig dahil nakita nilang sweet na performance ng dalawa. Nagtrending pa nga sa twitter ang kanilang hashtag na #ALDUBasZacAndZendaya. Umabot na rin ito ng mahigit isang milyong tweet.
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment