Endorsement ni Ai-Ai de las Alas, Garantisadong Pampataas ng Sales Kaya Narenew for Pitalicious Shawarma



Hindi lang "Comedy Queen" ang dapat ibansag sa kanya kundi "Endorsement Queen" sa dami ng clients na nagtitiwala sa kanyang charm at credibility when it comes to promoting products. Nasa above 5 products ang ineendorse ng judge ng kakatapos na The Clash at isa na rito ang Pitalicious Shawarma, na pag-aari ng mag-aswang Bryan at Gillian Francisco. Naganap ang contract renewal sa loob ng Chang Ai Express na pag-aari ng kanyang anak na si Sancho.

November 2012 nang mag-umpisa ang negosyong ito sa isang Christmas bazaar sa Mandlauyong na kalaunan ay naging IPO-registered. Sa ngayon ay 104 na ang branches nito nationwide at may limited offer promo kung saan pwede kang magfranchise for as low as 98K. Ang mas malalaki nilang franchise packages ay nagkakahalaga ng 148K, 168K, 188K, at 248K respectively.

Sa Oct. 14 ay part sila ng 15th Franchise Business Expo na magaganap sa World Trade Center. For further inquires, maaari silang mareach via the website http://www.pitalicious.com.ph, sa mobile #s 0917 159 PITA / 0939 1299 288 / 0999 7026 260, at sa email address na nfo@pitalicious.com.ph.
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment