JANELLA, POKWANG, AT DENISE, BIBIDA SA “TOUCH SCREEN” NG iWANT

 


Bagong handog ng Indigital Productions, ipapakita ang epekto ng teknolohiya sa totoong buhay… 
Paano nga ba naaapektuhan ng internet, social media, at makabagong teknolohiya ang ating mga buhay at relasyon?
Iyan ang ipapakitang mga kwento sa bagong iWant original anthology series na "Touch Screen," na handog ng ABS-CBN digital production unit na Indigital Productions at mapapanood na simula ngayong Marso 6 sa iWant.
Bibida ang Kapamilya stars na sina Janella Salvador, Pokwang, at Denise Laurel sa three-part anthology series na tatalakay sa pakikisalamuha ng mga tao gamit ang kanilang gadgets at kung paano nito naaapektuhan ang totoong buhay.
Sa episode na "Wittyrella," susubuking magpapansin ng fan girl na si Mandy (Janella) sa kanyang celebrity crush gamit ang kanyang Twitter account. Ang hangad niyang mapukaw ang atensyon ng napupusuan ay mauuwi sa pakikipag-away sa isang sikat na account, na ka-close niya pala ang gumagamit.


Matutunghayan naman si Pokwang bilang isang loyal na kasambahay sa episode na "Vixee vs. Inday," kung saan makakaramdam siya ng pambabalewala mula sa pamilyang pinasilbihan niya ng mahabang panahon sa pagdating ni Vixee, isang smart gadget.
Online dating naman ang sentro sa kwento ng "It's A Match," kung saan tampok ang buhay ng isang app developer (Joseph Marco) na makikipagpustahan na kaya niyang pasagutin ang conservative niyang manager na makaka-match niya sa isang dating app. 
Ang "Touch Screen" ang ikaapat sa original digital series mula sa Indigital, na siya ring nagprodus ng film-anthology series na "The End," feel-good comedy anthology series na "Alamat ng Ano," at ang erotic-drama anthology series "Hush" na lahat ay mapapanood sa iWant.


Naglalayong magbahagi ng mga kwentong kakaiba at lihis sa ordinaryo, kasama ng Indigital Productions sa paghahadog ng de-kalidad na mga palabas ang independent film directors gaya nina Gino Santos, Jon Red, JP Habac, Mark Meily, Mikhail Red, Lem Lorca, Dondon Santos, Noel Teehankee, Richard Somes, Ronnie Velasco, Topel Lee, at Victor Villanueva.
Indigital Productions din ang nagprodus ng "The End," na handog ang kwento ng mga ordinaryong tao at ang huling 24 oras ng buhay nila, na mag-iiwan ng aral tungkol sa pag-ibig, pagpapatawad, at pag-asa. Pinagbibidahan ito nina Denise Laurel, Aljur Abrenica, Carmi Martin, Luis Hontiveros, Mark Neumann, Kazel Kinouchi, Sunshine Dizon, Vandolph, and Joey Marquez.

Katatawanan naman ang hatid ng “Alamat ng Ano” kung saan ibinabahagi nina Jobert Austria at Nonong Balinan ang pinanggalingan ng mga ordinaryong bagay sa nakakatuwang paraan. Kasama sa sampung episodes ng “Alamat ng Ano” sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Melai Cantiveros, Ejay Falcon, Jake Cuenca, Donna Cariaga, AC Bonifacio, BoybandPH, Nico Antonio, Denise Joaquin, Ketchup Eusebio, at Dominic Ochoa.
Mapangahas naman ang erotic anthology series na “Hush” na pinangungunahan ng sexy icons na sina Mica Javier ng GirlTrends ng “It’s Showtime,” Gwen Soriano, at Haiza Madrid.
Dapat ring abangan ang mga paparating pang original shows at specials mula sa Indigital gaya ng “Crimes of Passion,” “Six Feet Diner,” “Adam & Ed,” “Papa App,” “Trip to Quiapo,” at “Little Big Trio.”
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Panoorin ang mga palabas ng Indigital at iba pa nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.


Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment