De Lima : Paring kasangkot sa ‘Oust Duterte’ biktima lang ng kasinungalingan ni alyas Bikoy

Senator Leila de Lima Iginiit  na maaaring biktima lamang ng mga kasinungalingan ni ‘Bikoy’ si Father Albert Alejo na nasangkot sa ‘Oust Duterte’ matrix na naglalayong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Delima,“Si Fr. Alejo ay maaaring isa lamang din sa mga biktima ng mga kasinungalingan ni ‘Bikoy’ pero hindi ito dahilan para sisihin ang mga alagad ng Simbahan katulad niya kung ipatupad man nila ang kanilang obligasyon sa kapwa na humihingi ng gabay at kalinga,”

Paring Bert is yet to speak up on this allegation against him, that’s why I find it unfair that he is [being] painted in a bad light as he continuously fights for what is true and just,” dagdag pa nito

Kamakailan ay isiniwalat ni Peter Joemel Advincula, nagpakilalang si Alyas Bikoy na narrator ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video na nagsasangkot sa pamilya Duterte sa droga, na si Alejo umano ang nagpakilala sa kaniya kay Trillanes na siyang may kagagawan umano ng video.

“Sa panahon ngayon kung kailan ginigipit at kinokontrol ng gobyerno ang mga ahensya at institusyon na dapat sana’y nangangalaga at nagtatanggol sa karapatan ng mamamayan, saan nga ba maaaring humingi ng tulong at proteksyon ang mga indibidwal na nangangamba para sa kanilang buhay?” saad ni De Lima.

Matatandaang kilala si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy ang nasa likod ng "totoong narcolist".

source : [1]
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment