Pag-Freeze sa Franchise ng ABS-CBN, Inalmahan ng CHR!

Nagpahayag ng pag-aalala ang Commission on Human Rights sa ulat kamakailan lang na na-freeze sa kongreso ang panukalang batas para ma-renew ang legislative franchise ng ABS-CBN.

Sa inilabas na pahayag ni CHR spokesperson Jacqueline De GUia, sinabi nito na senyales ng madilim na press freedom kung maipapasara ang kumpanya dahil lang sa kapritso sa politika.

If the network has committed any violation, it must be tackled through due process… Non-renewal can be tantamount to shutting down the network. If an entire media giant would be toppled down due to a political caprice, it could signal the beginning of a bleaker state of press freedom in the country and a catapult to the wave of previous assaults to media.,
Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso sa taong 2020 at nataengga na sa committee level mula pa noong 2016 ang panukalang batas para i-renew ang prangkisa ng media giant.

Magugunita na noong nakaraang taon ay sinabi ni Presidente Duterte na hindi siya pabor sa pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ang ABS-CBN ay isa sa mga media companies na binabanatan ng Pangulong Duterte dahil umano sa hindi balanse at bias na pag-uulat laban sa kanyang administrasyon.

Source: Philstar
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment