Paglahad ni Maine Mendoza tungkol sa ‘Open Letter’ mga fake fans nagsilabasan

Sa paglahad ng Phenomenal star Maine Mendoza, nalaman ang katotohan na may mga fake fans pala talaga, ito’y nalaman namin na marami palang nagpapanggap na AlDub fans. “I deserve the hate,” ang panibagong message ni Maine Mendoza.

Sinabi rin niyang siguro nga siya ay naging isang makasariling spoiled brat, pero sa kabila nang sinabi niyang iyon, ang kanyang post ay sinundan ng mga favorable comments mula sa kanyang fans na nagsasabing ano man iyon, tiyak nakasuporta pa rin sila dahil mahal nila ang kanilang idol.

Kung titignan mo rin ang reasksiyon ng mga journalist mula sa ‘legitimate media’, naniniwala silang tama ang ginawa ni Maine, maliban na lamang sa iilan na alam naman nating may “interest” na naaepektuhan ng statement niyang iyon.




Mapapansin din na nagsimula na ang pagkilos laban kay Maine. Hindi man diretsahan, maliwanag na may pagkilos para kumbinsihin ang fans, particulary ang AlDub na magbigay ng negatibong comments laban kay Maine.

Mayroon pang iginiit na nagpaalam daw ba si Maine sa producers nila o sa mga taong maaapektuhan ng kanyang open letter, lalo na nga kay Alden. Kung bakit kailangang magpaalam si Maine para ilabas ang damdamin niya matapos ang mga bastos na comment na lumabas laban sa kanyang mga kaibigan at sa kanya na rin ay hindi namin maintindihan.

May nagpalabas pa na may mga AlDub fans daw na nagtangkang mag-suicide dahil sa ginawa ni Maine. Kung kami ang tatanungin, insulto pa iyan sa fans sa ginagawa nilang walang utak. At bakit hindi rin nila sinabing may magtangkang mag-suicide nang hindi totoong nililigawan ni Alden si Maine?




Walang duda na may naniniwala na ang ginawa ni Maine ay “damaging”, para sa kanilang interests, at nagsisimula na sila ng kanilang “damage control”. Pero halata mong hindi sila sanay sa damage control dahil mali na ang kanina sinasabi. Obvious na nag-panic sila sa ginawa ni Maine Mendoza.

Pero kung kami ang tatanungin, we maintain our stand, tama ang ginawa ni Maine. Walang masama sa pagsasabi nang totoo. Dapat din naman bigyan natin sila ng kalayaan dahil sila naman ay tao din lang.

Source: PHILSTAR
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment