Alden Richards at Maine Mendoza, May Cameo sa MMFF Entry ni Bossing Vic!

Nasa Tokyo, Japan na sina Alden Richards at ang kanyang pamilya na doon magpa-Pasko.

Sa Tokyo na rin sila manggagaling pagbalik nila ng Manila sa December 27.

First time nagbakasyon na sama-sama ang buong pamilya ng aktor at pati nga lolo nitong naka-wheelchair, kasama, kaya masaya ang lahat.

Nakita rin ng fans ni Alden ang photos ng aktor kasama ang dalawang kapatid na babae.

Naba-bash si Alden dahil hindi raw sweet sa youngest sister niya, pero nang magpakita ng love at care sa kapatid, na-bash pa rin.

Sabagay, hindi na siya si Alden kung hindi nahanapan ng isyu araw-araw para ma-bash.



Pagbalik ni Alden, magsi-celebrate siya ng post-Christmas at advance New Year sa mga kaibigang reporter.

Matagal nang hindi nakakausap ng majority sa press people ang aktor, kaya mahabang usapan ito.

Alam na ni Alden na matatanong siya sa future projects niya gaya sa GMA-7 at movie nila ni Maine Mendoza at alam na niya ang isasagot.

Kaya lang, wala pa mang in-announce na leading lady ang GMA-7 sa gagawing teleserye ni Alden for 2018, lumutang na ang pangalan ni Jasmine Curtis-Smith.

Hintayin natin kung tama ang mga naunang lumabas na balita.

Samantala, birthday ni Alden sa January 2, 2018 at 26 years old na siya. Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng kanyang solid fans ang birthday celebration nito.

Sa Enchanted Kingdom sa Jan. 6, 2018 ang big celebration at mag-iipun-ipon ang kanyang fans. Be there kung ayaw niyong ma-miss ang celebration.

May cameo sa Meant To Beh sina Alden Richards at Maine Mendoza, pero hindi namin sasabihin ang eksena para may sorpresa.

Dahil nami-miss ng AlDub fans na mapanood ang dalawa na magkasama, siguradong matutuwa sila sa maiksing exposure ng favorite loveteam nila sa MMFF entry ni Vic Sotto.

Aliw din ang eksena nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang mga kolehiyala na naisakay ni Vic sa Gruber (for Grab and Uber).

Gusto namin ang make-up ng tatlo sa eksena.




May cameo rin sina Ruby Rodriguez at Jimmy Santos at si Anjo Yllana yata ’yung yaya ni Baste.

Naka-make up at ayos babae siya kaya hindi namin nakilala.

Sobrang nakakatuwa ang cat fight nina Dawn Zulueta at Andrea Torres na ginaya sa cat fight nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos.

Sa December 25 na ang start ng MMFF at today ang Parade of Stars sa Muntinlupa City.
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment