Alden Richards has more sacrifice in 'AlDub' than Maine Mendoza

Sinabi nang iilan sa mga netizens na mas malaki raw ang sakrispisyo dito ni Alden Richards sa ‘AlDub’ kaysa kay Maine Mendoza. Samantala, Inaasahan daw na kakaibang Maine Mendoza na ang babalik sa Eat Bulaga pagkatapos nang mabalitaan naming nasa US na pala ang dalaga kasama ang kanyang mommy. Dahilan na hindi muna siya magpapakita sa nasabing noontime show dahil baka raw mapahiya si Maine doon, pero maraming AlDub supporters ngayon ang nalulungkot dahil sa hindi pormal na pagsabi na magpapahinga muna siya ng halos buwan sa kanyang showbiz career.

You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.” tweet ni Maine Mendoza

May mga iilang nagsasabi rin na iwanan na lang daw ni Maine Mendoza ang Twitter world dahil hindi lahat ay naiintindihan siya at mas lalong dumadami ang nagagalit. Bigyan daw muna niya ng break ang sarili nya sa sistema ng showbiz at pagkakaroon ng love team.




May nagreply naman sa kanya ng, “You don’t deserve to be hate. From the start people should know that AlDub is just a love team.

Ayon naman sa isang netizen, “Nilaglag mo si Alden, sa letter mo malinaw naman na parang inayawan mo na ang AlDub. Oh well kung saan ka maging masaya, go ka. Pero, nakakatampo lang kasi naawa din ako kay Alden.”

Actually, kahit naman si Alden Richards ay hindi niloloko ang mga AlDub fans at pinapaasa. Sa huling interview niya sa Thailand ay sinabi rin niyang single siya dahil ‘yun naman ang totoo. Binatikos ang Thai host noon sa social media dahil siya ang nagpasimula ng usapang ‘single’ pero nagpapakatotoo naman ang lahat.

Sina Alden at Maine ay hindi manikang de susi at laruan na dapat diktahan na maging magdyowa kung hindi naman sila click sa totoong buhay gaya ng gusto nilang mangyari. Hayaan na sana ng mga AlDub supporters na nagpapakilig lang sila bilang magkatambal at walang relasyon gaya nina John Llyod Cruz at Sarah Geronimo, JLC at Bea Alonzo, Richard Yap at Jodi Sta. Maria, Vilma Santos at Christoper De Leon.

Pero sabi ng ibang netizen, sana raw pinag-usapan din nina Maine Mendoza at Alden Richards ang bawat ilalabas gaya ng open letter dahil may love team pa rin naman sila na inaalagaan. Hindi sana bugso ng damdamin ang pinairal at nagpasintabi rin sa management bago gawin ‘yun.

Tanong kasi ng bayan kung na-inform ba si Alden Richards at ang management bago ginawa ni Maine Mendoza ang open letter? Hindi ba hinayaan ni Maine na magmukhang tanga at iniwan sa ere si Alden?




Binigyan ba niya ng respeto si Alden sa pagkakataong ‘yun?

Dapat tiningnan din ni Maine ang mga sakripisyo ni Alden na tambalan nila. Dalawang taon ding hindi tumanggap ng serye si Alden na hindi siya ang kasama. Hindi siya nakipagtambal sa iba. Kahit bagay na bagay sa kanya ang “My Love From The Star” at swak sila ni Jennylyn Mercado sa project na ‘yun ay hindi pa rin itinuloy alang-alang sa AlDub.

Si Alden Richards hindi mo makikitang gumigimik sa bar at may ibang kasamang babae para walang masabi ang AlDub Nation. Pero ginagawa rin ba ‘yun ni Maine Mendoza? Malaki rin ang sakripisyo ni Alden sa love team nilang dalawa kahit lahat nang madikit sa kanya pati sa picture ay bina-bash ng ilang AlDub fans.

Source: PINOYPARAZZI
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment