WATCH : Mommy ni Maine Mendoza may chika sa AlDub Nation: “Hintayin niyo ang pagbabalik ni Menggay”

THE Philippines Herald — Mismong Mommy na ng Phenomenal star Maine Mendoza ang nagsabi na walang dapat ipangamba dahil sabi pa niya sa chika niya, nalalapit na raw ang pagbabalik ng kanyang anak na si Maine. Ayon sa source na nakita namin Humarap ang mommy ni Maine sa fans sa isang Christmas Party. Sa Instagram video ni Eve Sharapova ay makikita na nagsasalita ang mommy ni Maine sa mga fans.

Maririnig ang chika ng mommy ni Maine Mendoza na dapat ay huwag maging malungkot at mangamba, dapat palagi daw masaya. Na ang sagot ng fans, nami-miss na talaga nila ang Phenomenal star na si Maine. Almost 4 weeks na din kasing hindi nakikita ang kanilang iniidolo.

Hintayin niyo ang pagbabalik ni Maine,” sabi naman ng mommy ni Maine.

Babalik siya…” dagdag pa ni Mommy Mary Ann Mendoza.



At siyempre, buhay na buhay ang dugo ng buong AlDub Nation sa sinabing ‘yon ng mommy ni Maine Mendoza.

Ang nanay na mismo ang nagsabi na babalik sa longest-running noontime show na Eat Bulaga! ang kanilang iniidolo, kaya ano pa ba ang dapat nilang ikakalungkot?

Samantala, isa na dito ang pinagduduhan ng iilan sa mga AlDub Nation ang isang event na sasalihan ni Maine Mendoza (Yaya Dub), para sa Platinum Karaoke na magkakantahan sila this coming January 25, 2018 with Pambansang Bae Alden Richards.




Tiyak na magkakagulo na naman sa Twitter world ng AlDub Nation yan, kaya dapat walang tayong ipangamba dahil alam naman nating hindi tayo pababayaan ni Maine Mendoza, alam din naman niyang ang AlDub Nation din ang dahilan kung bakit nabuo ang tambalang “AlDub” ngayong henerasyon.

Anong masasabi niyo tungkol dito mga ka ADN? Masaya ba kayo sa sinabi ni Mommy Mary Ann Mendoza? Ibahagi ang iyong saloobin, opinyon at reaksyon dito sa comment section box ng aming website. Thank you!


Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment