LizQuen Nireveal sa Alone/Together Premiere Night kung Planado ba yung sa GGV



Sa black carpet premiere kagabi  ng newest Black Sheep offering na Alone/Together, natanong sina Liza Soberano at Enrique Gil tungkol sa ginawa nilang pag-amin noong nakaraang Linggo na two years na pala silang mag-on. 

Pinabulaanan ng dalawa ang ugong na promo lang daw ito para sa pelikula para magkatsansang lampasan ang mahigit 800 million pesos na kinita ng Kathniel movie last year. "Walang planado nung kay Vice. Walang planado sa'min," chika ni Enrique. "We would never use our relationship naman to promote a movie," dagdag ni Liza.

Nagbigay ng payo ang binata sa mga gustong makipagkita sa ex nila, na dapat ay siguraduhin na siya na ang makakatuluyan mo. Ang Alone/Together kasi na Graded A ng CEB ay tungkol sa college sweethearts na eventually ay nagkahiwalay after graduation para ipursue ang magkaiba nilang dreams.

Ang role ni Liza ay si Christine Lazaro, isang aspiring museum director habang si Enrique naman ay si Rafael Toledo na premed student. Sa UP Diliman ang setting kaya nagkaroon ng immersionn ang dalawa prior sa shooting gaya nang pagsakay ng Ikot jeep, pakikipag-usap sa teachers at students dun, at pagkain sa isawan at Area 2. After nilang magkita ulit years later ay magrereconnect sila as friends at maguguluhan nang marealize nila na may feelings pa sila sa isa't isa.

Showing ang film in cinemas nationwide starting today February 13 at may special premiere sa Dubai starting Bebruary 22.





Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment