Gerald Anderson at Julia Barretto nagsama sa isang pelikula sa unang pagkakataon sa Between Maybes ng Black Sheep



Marami na ang nangagarap na mag-let go na lang at iwan0 ang lahat para makahanap ng kakaiba sa kung ano ang nakasanayan na ingay sa araw-araw na buhay. Sa pinakabagong pelikula ng Black Sheep na Between Maybes, gusting maihatid ni Direk Jason Paul Laxamana ang isang kwento ng dalawang tao na nahanap ang katahimikan na hinahanap nila sa di inaasahang lugar: sa piling ng isa’t isa.

Sa unang pagkakataon, pinagtambal sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa isang pelikula na kinunan on location sa Saga, Japan. Pagkatapos ng unang project niya sa Black Sheep na To Love Some Buddy, gustong ihatid ni Jason Paul Laxamana ang isang kwento na sasalamin sa katahimikan at kalmang mahahanap sa lugar kung saan aandar ang kwento.

Sa Between Maybes, gaganap si Julia Barretto bilang Hazel, isang aktres na nakaka-experience ng konting problema sa kanyang career. Pakiramdam niya’y wala na siyang kontrol
sa kanyang buhay. Sa kagustuhan niyang makatakas at makabitaw sa kanyang buhay dito sa Maynila ay kumuha siya ng flight papunta sa ibang bansa at nauwi sa prefecture ng Saga sa Japan. Doon, makikilala niya si Louie (Gerald Anderson) na tatayong gabay niya sa oras ng kanyang pangangailangan. Matapos masaktan dahil sa kinahinatnan ng kanyang pamilya, naging mapang-isa si Louie at pinili na lamang mamuhay ng tahimik sa Saga.

Mamumuo ang isang “functional relationship” sa pagitan ng dalawa. Dahil mag-isa sa isang lugar na di niya alam, makikisuyo si Hazel kay Louie na i-check siya paminsan-minsan. Sa ingay at tuwa na dala ni Hazel mahahanap ni Louie ang break mula sa kanyang pag-iisa. Sa gitna ng katahimikan ng Japan mahahanap nina Louie at Hazel ang comfort sa isa’t isa, siyang bagay na kailangan nila sa punto ng buhay nila ngayon. Pero alam naman ng isa’t isa kung
gaano kalayo ang mundo nila at kailangan na lang nila maniwala na may mga bagay na espesyal dahil na rin hindi ito nagtatagal.




Pumasok sina Gerald at Julia sa proyekto nang may paniniwala sa mga karakter na gagampanan nila. Pareho rin nilang nakita na may pagkakapareho ang kanilang roles sa totong buhay. Minsan na ding tumakas si Julia sa South America para pagnilayan ang kanyang buhay at para makahanap ng katahimikan. Si Gerald naman ay nahahanap ang katahimikan bilang isang paraan para makatakas sa buhay, kahit saglit lang.

Sumailalim ang dalawa sa workshop kasama si Direk Jason Paul upang makilala pa nang lubos ang kanilang mga karakter at kinunan nila ang pelikula sa gitna ng Sakura season sa Japan. Kahit tahimik sa Saga at kaunti lamang ang nakatira, nakatulong ang lugar para magkaroon ng kakaibang layer ang kwento nina Hazel at Louie. Isang bagong bersyon ng kanta ni Rico Blacno na Your Universe ang ginawa para sa pelikula na ni-record ni Acel, ang dating bokalista ng Moonstar88.

Hinahandog ng Black Sheep at ni Direk Jason Paul Laxamana ang isang pelikula para sa mga gustong tumakas at makaramdam. Isang kwento tungkol sa mga pagkakataong lilipas lang pero hindi mo malilimutan. Pagkatapos ng ingay ng eleksyon at ng bakbakan ng mga superhero sa mga sinehan, baka ang katahimikan ng Japan ang kailangan. Palabas na ang Between Maybes sa mga sinehan simula May 15.



Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment