Maine Mendoza nakiusap sa AlDub fans “Please stop bashing Gabbi, she is nice”

Hindi na mapigilan ni Maine Mendoza makiusap sa buong AlDub nation na tigilan ang pamba-bash sa kapwa Kapuso artist na si Gabbi Garcia. Inookray kasi ngayon ang dalaga dahil sa 'di umano'y pang-iisnab nito kay Maine pagkatapos ng "Bench Under The Stars" fashion show event.

Isang video raw kasi ang kumulat sa social media kung saan makikita si Maine Mendoza na nakikipag-usap sa ilang artistang malapit sa kinatatayuan niya sa stage tulad ni Kim Chui, Richard Gutierrez, Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Mapapanood din sa video na 'yon na halos ilang metro lang ang layo ni Maine kay Gabbi ngunit hindi man lang daw nilapitan ng huli ang Dubsmash Queen na sa halip si Julia lang na malapit din sa kanya ang binati nito.

Nakita rin ang ka-loveteam ni Gabbi na si Ruru Madrid na binati si Maine.

Dahil dito, maraming AlDub fans ang nagalit kay Gabbi Garcia at sinabihan pa ito ng plastik at isnabera.

Narito naman ang tweet ni Maine Mendoza para sa kanyang followers, "Hi guys, please do not bash Gabbi, she is nice."

Clearly, hindi lang niya napansin kaya sana wag na gawan ng issue. She is actually a nice person. Dugtong pa niya, "Ang totoo niyan, siya pa nga yung palaging lumalapit at bumabati saakin."

Sinagot naman ito ni Gabbi ng, "Thank you Maine, I appreciate this so much!"


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our Facebook Page more often for more updates!
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment