ABS-CBN's staff have made clear about Maine Mendoza's move: “It's impossible to happen”

THE PHILIPPINES HERALD — Ayon sa source ng Bandera, isang staff ng ABS-CBN na nagtatrabaho narin nang ilang dekada ang tinanong nila kung posible bang mangyari ang kuwentong kakabilang-bakod sa kanila si Maine Mendoza? Napakalakas ng iling nito, halos humiwalay daw ang kanyang leeg sa kanyang ulo, imposible raw ang kaganapan ng kuwentong ‘yun.

Sabi ng source nila, “Nu’ng lumipat sa ABS-CBN si Angel Locsin, hindi biglaan ‘yun, pinlano ‘yun, pinalabas pang mag-aaral muna sa London si Angel.

“Pero habang kunwari, e, busy siya sa pag-aaral sa ibang bansa, pinaplano na rin dito ang paglipat niya sa Dos mula sa GMA-7. Mahabang process muna ang pinagdadaanan nu’n!

E, ‘yun kay Maine, kahit pabulong lang, e, hindi naman pinag-uusapan ‘yun. Wala, ni walang pahimakas na lilipat siya. Nagagamit nga ang network sa kung anu-anong lumalabas na hindi naman totoo,” siguradong sagot ng kanilang source.

Kalat na ang balitang nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Maine Mendoza na kasama ang kanyang pamilya, pero sa kanilang pagbabalik siguradong magiging aktibo na naman siya sa Eat Bulaga! na nagpanganak sa kanyang career, kaya tantanan na ang pagpapaikot ng kuwento na lilipat siya sa ABS-CBN.

Hindi ganu’n kadali ‘yun, hindi literal na bakod lang ang lulundagan ni Maine Mendoza, kaya tanggalin na ang ilusyon.

Samantala, ayon sa mga kumakalat din na balita may tsansang makabalik muli ang Phenomenal star na si Maine Mendoza (Yaya Dub) by 1st week of January 2018. May malaking galawan kasing magaganap sa Eat Bulaga! pagpasok ng bagong taon.

Bukod sa pagbabalik ng lahat, as in lahat ng mga Dabarkads na nag-Pasko sa ibang bansa para sa kauna-unahang love presentation ng longest-running noontime show ng bansa, bandang Abril o Mayo, mag-aalsa-balutan sila para lumipat sa bagong studio sa kahabaan ng Marcos Highway.

So, ibig sabihin talaga nito may tsansa talaga na by 1st week of January 2018, makabalik-Bulaga na rin ang kontrobersyal ‘Kalyeserye Queen’ na si Maine Mendoza.

Anong masasabi niyo tungkol dito? Ibahagi ang iyong saloobin, opinyion at reaksyon dito sa comment section box ng aming website. Thank you!
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment