Na-inspire pala si Alden Richards ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza na magkaroon na rin ng sariling restaurant at franchise ng ini-endorso nilang international fastfood chain.
Unang nagkaroon si Maine ng ganitong negosyo.
“Yes po, na-inspire din niya po ako kasi shinare din niya sa akin yung idea na yung McDonald’s nga is a very good business. And then yung iba-ibang franchisees din na pinupuntahan ko sa probinsiya, they really encourage me to open a store kasi wala pong talo. Bale ako po ang owner-operator, and then ang magma-manage po nun is yung sister ko, yung bunso po namin,” sabi ni Alden.
Nakausap namin si Alden kasama ang ibang press people sa Thanksgiving Party para sa mga entertainment press na inorganisa niya katulong ang GMA Artist Center sa pamumuno ni Gigi Santiago-Lara at ng GMA Corporate Communications sa pangunguna ni Angel Javier Cruz.
Ni-reveal din ni Alden na sa dami ng endorsers ng naturang fastfood chain, silang dalawa pa lang ni Maine ang nabigyan ng franchise nito.
“For the record po kami pa lang pong dalawa. Nung tinanong po kasi namin iyan, yun po ang lumabas sa list. So, opo, kami lang pong dalawa.”
Dahil nga endorsers sila ni Maine, may special discount ba sila sa franchise fee? “Apparently po dumaan po kami sa normal process ng franchising. Wala pong special treatment.”
Ano ang advise na ibinigay sa kanya ni Maine? “Nagulat po siya and natuwa at the same time, kasi nakita rin po niya yung operations ng McDonald’s nila sa Bulacan, malakas po yung kanila. Basta ang sinabi lang po niya sa akin, masarap pero mas marami yung hirap along the way. Siyempre po yung sister din po ni Maine yung nagma-manage. So, nakikita po niya yung hirap ng kapatid niya. Yun lang po yung in-orient niya sa akin na sabihin ko sa kapatid ko. Pero yun nga worth it naman daw po lahat ng hirap.”
Excited na nga si Alden dahil ilang buwan na lang ay magbubukas na ang McDo restaurant niya. “Mag-o-open na po yung McDonald’s po namin sa Biñan, Laguna po. Mag-o-open po siya probably April this year. We’re eyeing on an Easter Sunday opening. Tabi po kami ng Perpetual University along National Highway po.”
Dream come true raw ito para kay Alden. “Pangarap lang po namin iyan dati kasi lagi po kaming may kinakainan sa may isang supermarket before. Akala ko po kasi dati hindi po ibinibigay sa… kumbaga walang franchisee noon, kumbaga galing siya sa company. Pero sabi ko, sana one day magka-restaurant kami na McDo, kasi we’re really addict fans of the restaurant, not the competition, so we’re very happy po. Hindi po ako makapaniwala noong una. Nung nakita ko po yung takip sa construction site na McDonald’s soon to open, doon lang po nag-sink in na talagang magkaka-restaurant na po kami.”
Bukod dito, t abala rin si Alden sa kanyang Concha’s Garden Cafe, na nag-open na rin for franchise.
Samantala, masaya rin si Alden sa patuloy na paghataw ng kanyang showbiz career. Excited siya sa mga gagawin niyang mga proyekto ngayong 2019.
“Meron po akong international shows starting Holy Week, so mag-GMA Pinoy TV muna ako sa abroad. Siyempre yung Eat Bulaga po nandiyan pa rin, at saka Sunday Pinasaya. And then siguro po by second or third quarter po magso-soap na po tayo ulit although wala pang concept. There’s an idea po of a movie this year pero still in the planning process pa rin po. For sure po magkakaroon kami ng project ni Maine, hindi ko pa lang masabi kung soap o movie po,” lahad pa niya.

0 comments:
Post a Comment