Alden, Maine gagawin ang ‘Descendants of the Sun’?

Hindi pa alam ni Alden Richards kung siya ba ang gagawa ng Pinoy adaptation ng hit Korean Drama na Descendants of the Sun dahil wala pa raw sinasabi sa kanya ang GMA-7.

“Hindi ko pa rin po alam. Sana po,” sabi ni Alden nang makatsikahan ng press sa Thanksgiving Party niya for the press held last Sunday.

May nagtanong din kung totoo bang sila nga ni Maine Mendoza ang gagawa, at sey na naman niya, “sana po, sana po. Pero sa ngayon po, as of the moment, wala pa pong final words sa soap opera.”

Hindi pa rin niya napapanood ang DOTS pero narinig na nga raw niyang maganda ang story nito at inamin niyang gusto niyang gawin sakaling ibigay sa kanya.

Sharing is caring!
Share on Google Plus

About jhanice Mendiola

0 comments:

Post a Comment